Kabuuang Tanaw

  1. Ang isang aralin ay binubuo ng ilang pahina at optional na mga manghad ng sanga.
  2. Ang isang pahina ay mayroong nilalaman at karaniwan itong nagtatapos sa isang tanong. Kaya mayroong termino na Pahina ng Tanong.
  3. Para sa mga Tanong na Sanaysay, walang sagot, iskor lamang, puna, at isang pahina na luluksuhan.
  4. Ang bawat sagot ay maaaring magkaroon ng isang maikling piraso ng teksto na ipapakita kapag ang sagot ay pinilì. Ang pirasong ito ng teksto ay tinatawag na tugon.
  5. Kaugnay din ng bawat sagot ang isang lukso. Maaaring relatibo ang lukso - pahinang ito, susunod na pahina - o absoluto - itinatakda ang alinman sa isa sa mga pahina sa aralin o ang dulo ng aralin.
  6. Ang default ay lulukso ang unang sagot sa susunod na pahina ng aralin. Ang mga susunod na sagot ay lulukso sa pareho ring pahina. Alalaong baga'y, ang mag-aaral ay papakitaan mulî ng parehong pahina ng aralin kung hindi nila pinilì ang unang sagot. Kung lumikha ka na ng cluster, na may dulo ng cluster, at ang tanong ay nasa loob nito, puwede mo ring piliin na lumukso sa isang Dinakikitang Tanong sa loob ng cluster. Ang opsiyong ito ay hindi ipapakita kung wala ka sa isang cluster. Maaari mong palibutan ang isang set ng tanong ng cluster at dulo ng cluster anumang oras.
  7. Ang susunod na pahina ay itinatakda sa pamamagitan ng makatwirang kaayusan ng aralin. Ito ang pagkakasunod-sunod ng pahina ayon sa pananaw ng guro. Ang kaayusang ito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng paglipat ng pahina sa loob ng aralin.
  8. May kaayusan ng nabigasyon din ito. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga order ayon sa pananaw ng mag-aaral. Ito ay itinatakda ng mga lukso na itinakda sa mga indibidwal na sagot, at maaari itong maging kaibang-kaiba sa makatwirang kaayusan. (Nguni't kung ang mga lukso ay hindi hindi binago sa default na halaga, ang dalawa ay malaki ang pagkakaugnay.) Puwedeng suriin ng guro ang kaayusan ng nabigasyon.
  9. Kapag ipinakita na sa mag-aaral, ang mga sagot ay karaniwang binabalasa. Alalaong baga'y, ang unang sagot sa pananaw ng guro ay hindi palaging ang magiging unang sagot sa listahan na ipapakita sa mag-aaral. (Dagdag pa, sa tuwing ipapakita ang parehong set ng sagot, malamang na lilitaw sila sa ibang pagkakasunod-sunod.) Maliban dito ang mga set ng sagot para sa tugmaang uri ng tanong; ito ay ipinapakita ng ayon sa kaayusang ipinasok ng guro.
  10. Ang dami ng sagot ay maaaring magbago sa bawat pahina. Halimbawa, pinapahintulutan na ang ilang pahina ay magtapos sa tama/mali na tanong samantalang ang iba pang tanong ay may isang tamang sagot at tatlong, ipalagay natin na, panggulo.
  11. Posibleng mag-ayos ng pahina nang walang anumang sagot. Ang mga mag-aaral ay papakitaan ng Ituloy na link sa halip na set ng binalasang sagot.
  12. Kung ang pasadyang pag-iiskor ay patay: para sa layunin na markahan ang aralin, ang mga wastong sagot ay lang mga lumulukso sa isang pahina na mas mababa sa kasalukuyang pahina, sa makatwirang kaayusan. Ang mga maling sagot ay ang mga lumulukso sa pahina ring iyon o sa isang pahina na mas mataas kaysa sa kasalukuyang pahina, sa makatwirang kaayusan. Kaya, kung ang mga paglukso ay hindi binago, ang unang sagot ang wastong sagot at ang ibang pang sagot ay maling sagot.

    Kapag buhay ang pasadyang pag-iiskor: ang pagmamarka sa isang sagot ay itinatakda ng halaga ng puntos ng sagot, ang kabuuang puntos na nakuha ay magsisilbing hatimbilang ng kabuuang halaga ng puntos sa aralin, hanggang 100%..
  13. Ang mga tanong ay maaaring magkaroon ng mahigit sa isang wastong sagot. Halimbawa, kung ang dalawa sa mga sagot ay lulukso sa susunod na pahina, ang alinman sa dalawang sagot ay ituturing na tamang sagot. (Bagama't ang parehong pupuntahang pahina ang ipapakita sa mag-aaral, ang tugon na ipapakita papunta sa pahina ay maaaring magkaiba para sa dalawang sagot.)
  14. Sa panggurong tanaw sa aralin, ang mga wastong sagot ay may nasasalungguhitan na Etiketa ng Sagot.
  15. Ang mga manghad ng Sanga ay mga pahina lamang na may set ng link sa iba pang pahina sa aralin. Karaniwan ay nagsisimula ang isang aralin sa isang manghad ng sanga, na nagsisilbing Manghad ng Nilalaman.
  16. Ang bawat link sa isang manghad ng sanga ay may dalawang komponente, isang deskripsiyon at ang pamagat ng pahina na babagsakan ng paglukso.
  17. Ang manghad ng sanga ay epektibong hinahati ang aralin sa ilang sanga (o seksiyon). Ang bawat sanga ay maaaring maglaman ng ilang pahina (malamang lahat ay kaugnay ng parehong paksa). Ang dulo ng isang sanga ay kadalasang tinatatakan ng Dulo ng Sanga na pahina. Ito ay isang espesyal na pahina na, sa default, ay ibabalik ang mag-aaral sa naunang manghad ng sanga. (Ang "pabalik" na lukso sa isang Dulo ng Sanga na pahina ay maaaring baguhin, kung kinakailangan, sa pamamagitan ng pag-edit sa pahina.)
  18. Maaaring magkaroon ng higit sa isang manghad ng sanga sa isang aralin. Halimbawa, maaaring kapakipakinabang na balangkasin ang isang aralin na ang mga pang-espesyalitang punto ay sub-sanga sa loob ng punong sanga ng paksa.
  19. Mahalaga na mabigyan ang mga mag-aaral ng paraan na tapusin ang aralin. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglalagay ng "Dulo ng Aralin" na link sa punong manghad ng sanga. Lulundag ito sa (kathang-isip) na Dulo ng Aralin na pahina. Ang isa pang opsiyon ay magpatuloy na lamang ang huling sanga ng aralin (dito ang "huli" ay ginagamit sa kahulugan ng makatwirang kaayusan) sa dulo ng aralin, alalaong baga'y, hindi ito tatapusin ng isang Dulo ng Sanga na pahina.
  20. Kung buhay ang pasadyang pag-iiskor, kapag ang aralin ay may isa o mahigit pang manghad ng sanga, iminumungkahi na itakda ang "Minimum na bilang ng Tanong" na parameter sa isang makatwirang halaga. Nagtatakda ito ng isang ibabang limitasyon sa bilang ng mga pahina na makikita kapag ang marka ay kinuwenta. Kung wala ang parameter na ito, ang mag-aaral ay maaaring bisitahin ang isa sanga lamang ng aralin, sagutin ang lahat ng tanong nito nang wasto at iwan ang aralin nang may maksimum na marka.

    Kung ang pasadyang pag-iiskor ay buhay, ang mag-aarla ay mamarkahan batay sa dami ng puntos na nakuha nila bilang porsiyento ng kabuuang puntos para sa aralin.
  21. Dagdag pa, kung patay ang pasadyang pag-iiskor, kapag mayroong manghad ng sanga, ang isang mag-aaral ay may oportunidad na muling bisitahin ang parehong sanga nang mahigit sa isang beses. Magkagayunman, ang marka ay kinukuwenta gamit ang bilang ng natatanging tanong na sinagot. Kaya ang paulit-ulit na pagsagot sa iisang set ng tanong ay hindi magpapataas ng marka. (Sa katunayan, ang kabaligtaran ang mangyayari, ibababa nito ang marka dahil ang bilang ng dami ng pahina na nakita ay ginagamit na denominator sa pagkuwenta ng marka, at kasama nito ang mga pag-ulit.) Para mabigyan ng patas na ideya ng kanilang progreso sa aralin ang mga mag-aaral, pinapakitaan sila ng mga detalye ng kung ilang tanong ang nasagot nila nang wasto, bilang ng pahinang nakita, at ang kasalukuyan nilang marka sa bawat pahina ng manghad ng sanga.

    Kung buhay ang pasadyang pag-iiskor, maaaring muling bisitahin ng mag-aaral ang tanong kung pinapahintulutan ito ng landas ng nabigasyon, at muling makuha ang (mga) puntos para sa tanong na iyon, kung ang pagkuha ay mas marami sa 1. Para mapigilan ito, itakda ang mga pagkuha sa 1.
  22. Ang dulo ng aralin ay maabot sa pamamagitan ng paglukso sa lokasyon ito ng hayagan o sa pamamagitan ng paglukso sa susunod na pahina mula sa huling (makatwirang) pahina ng aralin. Kung ang pasadyang pag-iiskor ay patay, kapag ang dulo ng aralin ay naabot, makakatanggap ang mag-aaral ng mensahe ng pagbatì at ipapakita sa kanila ang kanilang marka. Ang marka ay (ang dami ng tanong na wastong sinagutan / bilang ng pahina na nakita) * marka ng aralin. Kung buhay ang pasadyang pag-iisko, ang marka ay ang mga puntos na nakuha bialng isang % ng kabuuang puntos (hal. 3 puntos ang nakuha para sa isang 3 puntos na aralin = 100% ng 3 puntos).
  23. Kung ang dulo ng aralin ay hindi naabot at basta na lamang umalis ang mag-aaral, kapag bumalik sa aralin ang mag-aaral, papipiliin siya kung mag-uumpisa siyang muli sa simula o magpapatuloy kung saan siya sumagot ng wasto sa aralin.
  24. Para sa isang aralin na nagpapahintulot ng muling pagkuha, ang guro ay puwedeng gamitin ang pinakamagaling na marka o ang katamtaman ng mga marka mula sa aralin bilang "huling" marka. Ang marka na ito ay ipapakita sa pahina ng Marka, halimbawa.
  25. Mga pahinang cluster: ang cluster ay kumakatawan sa isang set ng mga tanong, kung saan maaaring kumuha ng isa o mahigit pang tanong nang random. Ang mga cluster ay kailang tapusin sa pamamagitan ng Dulo ng Cluster na pahina para mapahusay ang paggana (kundi ay tatratuhin nila na Dulo ng Cluster (DngC) ang Dulo ng Aralin). Ang mga tanong sa loob ng isang cluster ay pinipilì nang random sa pamamagitan ng "Random na Tanong sa loob ng isang Cluster" bilang lukso. Ang mga tanong sa loob ng isang cluster ay maaaring maglink sa DngC upang lumabas sa cluster, o lumukso sa isang dinakikitang tanong sa loob ng cluster, o lumukso sa alinmang iba pang aphina sa aralin. Sa pamamagitan nito makakalikha ng mga senaryo na may elementong random, gamit ang modyul na aralin.